Aba di na ma-reach ang aking ex-officemate! She emailed me last night, telling me how happy she was for finally getting the much coveted "Ms. Proactivity Award" in her company (Mas bongga pa raw itech sa Employee of the Quarter Award, Ms. Friendly Award at Ms. Unpaid OT award). Nung dun pa ko nagwowork ang tanging award lang na nakuha ko e Ms. T**** kasi ako lang ang maganda dun e hehe. period. Kumbaga ala nako kelangan gawin. Feeling ko kahit sumali ako dun na nakapambahay e ako pa rin mananalo. Medyo bad trip lang dahil they had to partner me with this guy na pang Mr. Feeling Pogi. Urgh. Enough about me na nga.
Anyway sabi niya sa kanilang 2am department meeting, "As the 2006 Q1 Ms. Proactive, I promise to promote our corporate values (may values pala sa corporate environment hehe) everywhere! Pati maid namin sa bahay e tuturuan kong maging proactive para naman di ko na lang iniisip parati kung ano lulutuin nya dba."
And she sent pa a picture, sya kasama ang kanyang shift leader (left side nya) at ang kanyang manager (right side nya). Sensya na i have to put hearts para naman to protect their identities..tsaka baka kasi piratahin yung friend ko noh. Sino ba namang kumpanya ang aayaw sa talented person na mas mababa pa sa basement parking ang self-esteem diba. Kahit yata di ito kumain at sumweldo e ok lang basta makapag edit lang ng wrong grammar ng iba.
Kitang-kita naman sa ngiting panalo ng kanyang mga superior oh. Naalala nyo yung ngisi nung pating sa Finding Nemo..kuhang kuha e. Di ko na pinost yung ibang pichur kasi medyo kadiri na eh, as in the manager was making akbay na yuck.
Eto yung nakasulat sa Plaque of Appreciation na nakuha nung friend ko:
This plaque of appreciation is hereby awarded to __________, 2006 Q1 Ms. Proactive, for distinguished performance in the fields of technical editing and human relations. May you continue to be a model of efficiency, selflessness and sensitivity.
The management is proud to give you a Php 400 raise in your monthly salary, stock options to be given in 10 years, and a possible work trip to Taiwan, where you can showcase your superb people skills to non-English speaking employees.
Monday, April 03, 2006
Congratulations!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
waaaaaaahhhhh baket??!!!
Ayos! Though iniisip ko kung sino yung nag-email sa'yo na Miss Proactive eklat at naalala ko bigla si Momma namin dito sa shift. Hmm...I thought she hates you. Ay, yung chuva lang pala. Hi hi hi...
Post a Comment