Thursday, January 31, 2008

silvertoes

Pebrero na mga blonde watchers! Buwan ng mga puso. Jampacked nanaman ang mga motel, kaya yung mga mga discount cards jan, sulitin!

Pero malamig nanaman ang mga kagaya kong nag-iisa at walang jowa. Kahit iwasan ko dyosokoday! ipapakita sa iyo ng kapaligiran na akoy isang lonely heart. Ok lng, diosa naman ako ng kagandahan. speaking of kagandahan, ang yours struly naiimbyerna sa mga taong nagfi-feeling. alam nyo blondewatchers, pagdating sa feezeekal appearance, beautiness is in the eye of da beholder daw. aketch, ito ang aking simpleng batayan...

Merong likas na maganda, diosa-level, mapa-makeup man o wala.

Merong ok lng, pero fabulous with some help - from the cheapest fez powder to the bonggang 'thanks doc!'

Merong ok lng din, pero dahil natamo na nila ang kapayapaan sa kanilang mga sarili, ang inner glow, umuusbong! at nagiging so pretty na sila.

Merong hindi talaga pwedeng pilitin. mga nunal na tinubuan ng mukha, mga tigyawat na tinubuan ng muka, mga kabayong nagkatawang tao kasi hindi nacomplete ang formation...and the list goes on an on. Marami kang makikitang ganyan sa mga party places on a friday night. ewww...

Kayo blondewatchers? saang category kayo? hmmmm...

Chorva.

Tuesday, January 01, 2008

komunyon kachorvahan

blondewatchers, happy new year!!! di pa rin ako napuputukan gravah! nagsimba ba kayo nitong bagong taon? ako yes. at napansin ko lng ha, usong uso na talaga ang communion in the hand.

nung nagfirst communion aketch, napakabanal ng eksena - may pakneel kneel pa, hand in prayer formation epek, sabay Aaaaaamen. masaklap lang nga ang sunod na reaksyon kong sa hostiang may mompo. ang pakla ng lasa. nailuwa ko tuloy hihihi! pero instantly binalik ko rin at pikitmatang nilulon. feeling ko ba naman kasi noh, ang tindi ng kasalanan ko yun nailuwa ko sha. e ang pakla talaga e. hindi kaya nilublob nung pari yun kamay nya? yuck.

ngayon bihira na aketch makakitetch ng nagpapasubo. ang ganda pa nmn sanang makakita nung ganun, parang kinky hihihihi.

para tuloy nagmumukang ninong si father at ang kanyang mga alipores na layminister na nagaabot ng barya sa katolikong madla. i mean, parang hindi sha pretty sight to me! i bet nagsimula lahat yan ng mga isang paring bading ang hindi na nakatiis.

paring bading (pb): [walkaton sa kanyang superior] most reverend! naiimbyer na aketch sa kadirihan ng pagsyu-shoot ng hostia sa mga kadiring bunganga ng mga faithful. like helloooooo??!!! para aketch dentistang napapatingin sa loob ng mga mouths na iyan! isang malaking ewwwww with a capital E! ibahin natin most reverend, ibahin!

most reverend (mr): tiisin mo na sister, nagjujugas ka nmn ng hands after e.

pb: ayaw mo? aba nagmatapang ang tandercat. sige ka ibubuking ko ang video nyo nung mga jowa mong gwardya at hardinero! subukan mo lng most reverend...hmmm

mr: [nabakla at nanginig ang tuhod] kontrabida! sige na nga, okrayin ba koh?!
at dun na siguro nagsimula mga sisters ang pauso. ako, hindi nako nagkokomunyon mashado. bukod sa bihira na kong nasa 'state of grace', baka irapan lang ako ng pari pag nagpasubo ako. hmmp bahala kayo jan. siguro pag pinilit lang ako. cge go noh. pila aketch, tapos gawin ang left over right kachuvahan. pag bigay ng pari, sabay papanggap na isusubo ko. pero never nila know na iuuwi ko sha hihihihihi. gagawin ko nlng souvenir.

pag ang nagcommunion sa akin ay sikat na pari, o bishop, o pope, ganun din gagawin ng yours truly. tapos sabay bebenta ko sa e-bay!

chorva.